Skip Navigation

National Geographic Society Este programa se distribuye en los Estados Unidos y Canadá por National Geographic y EHD. [obtenga más información]

DVD ilustrado plurilingüe

La biología del desarrollo prenatal




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


 

Descargar versión en formato PDF  ¿Qué es PDF?
 

Desarrollo embrionario: 4 a 6 semanas

Capítulo 11   4 semanas: líquido amniótico

Sa 4 na linggo ang malinaw na amnion ay bumabalot sa embryo sa puno ng likidong sac. Itong isterilisadong likido, na tinatawag na amniotic fluid, ay nagbibigay sa embryo ng proteksyon laban sa pinsala.

Capítulo 12   El corazón en acción

Ang puso ay karaniwang tumitibok ng halos 113 beses kada minuto.

Tingnan kung paano nagbabago ng kulay ang puso habang pumapasok, lumalabas ang dugo sa mga lugar nito sa bawat tibok.

Ang puso ay titibok ng humigit-kumulang na 54 milyon beses bago ang pagsilang at mahigit 3.2 bilyon beses sa 80-taong buhay.

Capítulo 13   Crecimiento del cerebro

Ang mabilis na paglaki ng utak ay mapapatunayan ng nagbabagong anyo ng forebrain, midbrain, at hindbrain.

Capítulo 14   Esbozos de las extremidades y piel

Ang pagkabuo ng bisig at binti ay nagsisimula sa anyo ng limb buds sa 4 na linggo.

Sa balat ay makakaaninag sa puntong ito dahil ito ay isang selula lamang ang kapal.

Sa pagkapal ng balat, hindi na makakaaninag dito, nangangahulugang ang maaari lamang makita ay ang mga panloob na sangkap na mabubuo sa halos isa pang buwan.

Capítulo 15   5 semanas: hemisferios cerebrales

Sa pagitan ng 4 at 5 na linggo, ang utak ay magpapatuloy sa mabilis nitong paglaki at mahahati sa 5 natatanging seksyon.

Ang ulo ay binubuo ng halos 1/3 ng kabuuang laki ng embryo.

Ang cerebral hemispheres ay lilitaw, unti-unting nagiging pinakamalaking bahagi ng utak.

Sa mga tungkuling kokontrolin ng cerebral hemispheres ay kabilang ang mga iniisip, natututunan, memorya, pagsasalita, paningin, pandinig, kusang galaw, at paglutas ng problema.

Capítulo 16   Vías respiratorias principales

Sa sistema ng paghinga, ang kanan at kaliwang main stem bronchi ay naroon at sa huli ay magdudugtong sa lalaugan, o windpipe, sa baga.

Capítulo 17   Hígado y riñones

Tingnan ang malaking atay na pumupuno sa tiyan katabi ng tumitibok na puso.

Ang permanenteng mga bato ay lilitaw pagkaraan ng 5 linggo.

Capítulo 18   Saco vitelino y células germinales

Ang yolk sac ay nagtataglay ng maagang selulang paglikha na tinatawag na germ cells. Sa 5 linggo ang mga suson ng mikrobyo ay lilipat sa mga sangkap ng paglikha malapit sa mga bato.

Capítulo 19   Placas de las manos y cartílago

Sa 5 linggo din, ang embryo ay nakabubuo ng ohas ng kamay, at ang pagbuo ng butong mura ay nagsisimula sa 5 1/2 linggo.

Dito ay makikita natin ang kaliwang ohas ng kamay at pulso sa 5 linggo at 6 na araw.