| |
El período embrionario (Las primeras 8 semanas)
Desarrollo embrionario: Las primeras 4 semanas
Capítulo 3 Fecundación
|
| |
| Sa pananalitang biyolohikal,
"ang paglaki ng tao
ay nag-uumpisa sa fertilization,"
kapag ang isang babae at lalaki
ay nagsama ng 23 ng kanilang
sariling chromosomes
sa pamamagitan ng pagsanib
ng kanilang selulang paglikha.
Ang selulang paglikha ng isang babae
ay karaniwang tinatawag na "itlog"
pero ang tamang termino ay oocyte.
Gayon din, ang selulang
paglikha ng isang lalaki
ay karaniwang tinatawag na "sperm"
ngunit ang mas pinipiling
tawag ay spermatozoon.
Kasunod ng paglaya ng oocyte
mula sa obaryo ng babae
sa prosesong tinanatawag na ovulation,
ang oocyte at spermatozoon ay nagsasama
sa loob ng isa sa mga uterine tube,
na karaniwang tinatawag
na mga Fallopian tube.
Ang mga uterine tube ay nag-uugnay
sa mga obaryo ng babae
sa kanyang matris o bahay-bata.
Ang resultang isang-selulang
embryo na tinatawag na zygote,
na nangangahulugang
"pinagkabit o pinagsama."
|
Capítulo 4 ADN, división celular y factor temprano de embarazo
|
| |
| Ang 46 na chromosomes ng zygote
ay kumakatawan sa walang-katulad
na unang edisyon
ng isang kumpletong genetic blueprint
ng bagong indibidwal.
Ang pangkalahatang planong ito
ay nasa mahigpit na nakaikid
na molecules na tinatawag na DNA.
Taglay ng mga ito ang
mga tagubilin para sa paglaki
ng buong katawan.
Ang mga DNA molecules
ay nakakahawig ng paikot na hagdan
na kilala bilang double helix.
Ang mga baitang ng hagdan
ay gawa sa mga pares ng molecules
o mga base, na tinatawag na guanine,
cytosine, adenine, at thymine.
|
| Ang guanine ay naipapares
lamang sa cytosine,
at ang adenine sa thymine.
Ang bawat selula ng tao ay
may humigit-kumulang 3 bilyon
ng mga pares ng base na ito.
Ang DNA ng isang selula ay naglalaman
ng napakaraming impormasyon
na kung ito ay ipapahayag
sa nilimbag na mga salita,
ang paglista lamang
sa unang letra ng bawat base
ay mangangailangan ng mahigit
1.5 milyong pahina ng teksto!
Kung ilalatag ng dulo sa dulo,
ang DNA sa isang selula ng tao
ay may sukat na 3 1/3 talampakan
o 1 metro.
|
| Kung maaari nating kalasin lahat ng DNA
sa loob ng 100 trilyon
selula ng isang matanda,
ito ay aabot ng mahigit 63 bilyon milya.
Ang distansiyang ito ay umaabot mula
sa mundo hanggang sa araw at pabalik
ng 340 beses.
|
| Humigit-kumulang sa 24 hanggang
30 oras matapos ang fertilization,
ang zygote ay makakakumpleto
ng unang paghahati nito ng selula.
Sa pamamagitan ng proseso ng mitosis,
ang isang selula ay nahahati sa dalawa,
dalawa sa apat, at patuloy.
|
| Sa 24 hanggang 48 oras lamang
mula sa umpisa ng fertilization,
ang pagbubuntis ay makukumpirma
sa pagtuklas sa isang hormone
na "early pregnancy factor"
sa dugo ng ina.
|
Capítulo 5 Etapas iniciales (mórula y blastocito) y células madre
|
| |
| Sa 3 o na 4 araw
matapos ang fertilization,
ang nahahating selula ng embryo
ay nagkakaroon ng hubog na globo
at ang embryo ay tinatawag na morula.
Sa 4 o 5 araw, ang butas
ay nabubuo sa bolang ito ng mga seula
at ang embryo ay tinatawag
na ngayong blastocyst.
Ang mga selula sa loob ng blastocyst
ay tinatawag na inner cell mass
at nagpapalitaw sa ulo,
katawan at ibang mga istraktura
na mahalaga sa nabubuong tao.
Ang mga selula sa loob ng inner cell mass
ay tinatawag na embryonic stem cells
dahil ang mga ito ay may kakayahan
na bumuo ng bawat isa
sa mahigit sa 200 uri ng selula
na nasa katawan ng tao.
|
Capítulo 6 1 a 1½ semanas: implantación y gonadotropina coriónica humana (GCH)
|
| Matapos ang paglalakbay
pababa sa uterine tube,
ang batang embryo ay ibinabaon ang sarili
sa panloob na dingding sa matris ng ina.
Ang prosesong ito, tinatawag
na implantation, ay naguumpisa 6 na araw
at nagtatapos 10 hanggang
12 araw pagkaraan ng fertilization.
An mga selula mula sa lumalaking embryo
ay nagsisimulang lumikha ng hormone
na tinatawag na human
chorionic gonadotropin, o hCG,
ang sangkap na natutuklasan
ng karamihan sa mga pagsusuri
sa pagbubuntis.
Ang hCG ang nag-uutos
sa maternal hormones
na patigilin ang normal
na pag-inog ng regla,
na nagbibigay-daan
sa pagpapatuloy ng pagbubuntis.
|
Capítulo 7 La placenta y el cordón umbilical
|
| Kasunod ng implantation,
ang mga selula sa panlabas
na bahagi ng blastocyst
ay nagiging sanhi ng bahagi ng isang
istraktura na tinatawag na placenta,
na nagsisilbing interface
sa pagitan ng maternal
at embryonic na mga sistema
ng pagdaloy ng dugo.
Ang placenta ay naghahatid
ng maternal na oxygen, mga sustansiya,
hormone, at mga gamot
sa nabubuong tao;
nagtatanggal ng mga dumi;
at pumipigil sa maternal
na dugo na humalo sa dugo
ng embryo at fetus.
Ang placenta din
ay lumulikha ng mga hormone
at nagpapanatili ng embryonic
at fetal body temperature
nang bahagyang mas mataas sa ina.
Ang placenta ay nakikipag-ugnayan
sa nabubuong tao
sa pamamagitan ng mga vessel ng pusod.
Ang kakayahang sumuporta ng buhay
ng plasenta ay maihahambing sa
sa intensive care units
sa mga modernong ospital.
|
Capítulo 8 Nutrición y protección
|
| |
| Sa 1 lingo,
ang mga selula ng inner cell mass
ay bumubuo ng dalawang patong
na tinatawag na hypoblast
at epiblast.
Ang hypoblast ay nagbubunga ng
ng yolk sac,
na isa sa mga istraktura kung saan
ang ina ay nagbibigay ng mga sustansiya
sa batang embryo.
Ang mga selula mula
sa epiblast ay bumubuo
ng membrane na tinatawag na amnion,
kung saan ang embryo
at sa huli ang fetus
ay nabubuo hanggang ipanganak.
|
Capítulo 9 2 a 4 semanas: capas germinales y formación de órganos
|
| |
| Sa humigit-kumulang 2 1/2 linggo,
ang epiblast ay nakakabuo ng
3 natatanging tisyu,
o mga suson ng mikrobyo,
na tinatawag na ectoderm,
endoderm,
at mesoderm.
Ang ectoderm ay nagbubunga
sa maraming istraktura
kabilang ang utak,
gulugod,
nerbiyos,
balat,
kuko,
at buhok.
Ang endoderm ay lumilikha
ng aporo ng sistema ng paghinga
at daanang panunaw ng pagkain,
at lumilikha ng mga bahagi
ng mga pangunahing sangkap
tulad ng atay
at lapay.
Ang mesoderm ang bumubuo sa puso,
mga bato,
mga buto,
butong mura,
kalamnan,
mga selula ng dugo,
at ibang mga istraktura.
|
| Sa 3 linggo
ang utak ay nahahati
sa 3 pangunahing seksyon
na tinatawag na forebrain,
midbrain,
at hindbrain.
Ang pagbuo ng mga sistema
ng paghinga at pantunaw ng pagkain
ay nagaganap na rin.
|
| Habang ang unang mga selula ng dugo
ay lumilitaw sa yolk sac,
ang mga daluyan ng dugo ay nabubuo
sa kabuuan ng embryo,
at ang tubular heart ay lumilitaw.
Halos agad,
ang mabilis na lumalaking puso
ay tumutupi sa sarili
habang ang mga hiwalay na sisidlan
na nagsisimulang mabuo.
Ang puso ay nagsisimulang tumibok
3 linggo at 1 araw
pagkaraan ng fertilization.
Ang sistema ng pagdaloy ng dugo
ay ang unang sistema ng katawan,
o grupo ng magkakaugnay
na mga bahagi,
na unang nakakaganap ng tungkulin.
|
Capítulo 10 3 a 4 semanas: el plegamiento del embrión
|
| |
| Sa pagitan ng 3 at 4 na linggo,
ang plano ng katawan ay lumilitaw
habang ang utak,
gulugod,
at puso ng embryo
ay madaling nakikilala
katabi ng yolk sac.
Ang mabilis na paglaki
ay nagiging sanhi ng pagtupi
ng lapad na embryo.
Ang prosesong ito ay nagsasama
ng bahagi ng yolk sac sa aporo
ng sistemang pantunaw
at bumubuo ng dibdib
at mga butas sa tiyan
ng nabubuong tao.
|